32 days ago.

Ikaw ay nangako na ika’y babalik
Inasahan kita, ako ay nanabik
Ako’y naghintay, naghintay at naghintay
Bawat segundo at minuto inalay

Sa dami kong sulat na ipinadala
Para bang wala ka, ako’y nagalala
Nakalimutan mo na ba ako, mahal?
O may iba ka na diyan na minamahal?

Nakarating na, iyong sulat sa wakas
Sabi mo’y ika’y babalik, ako’y lumakas
Aking puso ay tumibok ng mabilis
Ako ay biglang sumigaw ng matinis

Sa wakas ika’y bumalik saking piling
Nakamit ko na rin ang lagi kong hiling
Pero bakit hindi buo ang ‘yong pangako?
Di mo natupad, tila ba ay napako

Pangakong ako’y sasamahan sa buhay
Para aking buhay lalo pang kumulay
Bakit di mo tinupad, iyong sinabi?
Pagmamahal sa’yo, dito nakatabi

Iyong katawan balot ng puting tela
Luha ko’y tumulo, sila’y pila-pila
Ako’y ‘yong nilisan ng walang paalam
Puso ko’y tumigil, agad namaalam

Ba’t hindi mo ko sinabihan
Na ikaw ay agad lilisan
Ikaw naman ang maghintay diyan
Hanggang sa muli, aking kaibigan