50 tears of mine. (Katangahan version)

(Notice: Hanggang title lang ang english)

Itong papel na ‘to ay isang replika ng aking mga luha. 

Panguna — minahal kita
Pangalawa — minahal mo ko
Pangatlo — sinaktan mo ko
Pangapat — hindi ka natuntento sa pananakit
Panglima — inulit ulit ang pananakit saakin
Panganim — iniwan mo ako
Pangpito — muli kang nagbalik
Pangwalo — sabi mong mahal mo pa ko
Pangsiyam — ayako na, tama na
Pangsampu — pinanindigan mo ang sinabi mo

Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Kuha silang lumalabas, nagsasawa na sa loob ng aking mga matang tago.

Panglabing-isa — sinubukan kitang mahal ule
Panglabing-dalawa — pinaramdam mo ule ang pagmamahal mo
Panglabing-tatlo — minahal na kita ule
Panglabing-apat — masaya tayong dalawa
Panglabing-lima — bumalik ang dating tayo
Panglabing-anim — masaya, nagmamahalan, yan tayo
Panglabing-pito — tayo’y wala katulad sa pagiging masaya
Panglabing-walo — naging malamig ka 
Panglabing-siyam — ayaw mo na
Dalawangpu — kulang ka sa pagmamahal

Nalaman kong hindi mo ako talaga minahal, sadyang kulang ka sa pagmamahal at sinuyo ako para may magmahal sayo, para may magalaga, magaruga, magmahal. 

Dalawangput-isa — hinabol kita
Dalawangput-dalawa — dahil tanga ako
Dalawangput-tatlo — kasi mahal talaga kita
Dalawangput-apat — nakita kitang may kasamang babae
Dalawangput-lima — ang bilis mo magmove on
Dalawangput-anim — dahil hindi mo naman talaga ako minahal
Dalawangput-pito — pero mahal talaga kita
Dalawangput-walo — hinintay kitang magsawa sa bago mong mahal
Dalawangput-siyam — hinintay kita ng matagal
Tatlongpu — pero naghihintay ako sa wala

Mahal na mahal kita higit pa sa pagmamahal ko sa iba. Level up na e. kaya ang sakit nung iniwan mo ko. Masakit.

Tatlongput-isa — makakamove on rin ako…
Tatlongput-dalawa — malapit na…
Tatloput-tatlo — kinamumuhian kita
Tatlongput-apat — ayako na sayo
Tatlongput-lima — nakamove on na ko!
Tatlongput-anim — ang saya ko kahit single ako
Tatlongput-pito — iba ‘to nararamdaman ko
Tatlongput-walo — ang saya saya ko!
Tatlongput-siyam — yehey
Apat na pu — nakamove on na talaga ako

Ang saya, nakamove on na ko. Kinalimutan ko na lahat. Kinalimutan ko na ang nakaraan, kinalimutan ko na siya.

Apatnaput-isa — nagsisi ako dahil minahal kita
Apatnaput-dalawa — dahil nagpakatanga ako sayo
Apatnaput-tatlo — dahil nagkunwari ako
Apatnaput-apat — mahal pa kita, kaso ayako na
Apatnaput-lima — ayun, mahal mo parin pala ako
Apatnaput-anim — pero, tanga ka rin e, sinaktan mo ko
Apatnaput-pito — iniwan kita
Apatnaput-walo — mali ako, lagi akong mali
Apatnaput-siyam — pareho tayong tanga
Limangpu — Nasaktan ako, kahit hindi krimen ang ginawa ko. Nagmahal lang naman ako.

Katapusan na ito. Tanga ending ang nangyari. Walang intense, walang ano ano sa papel na ito. Pati ang nilalaman ng papel e katangahan din.